Google

Monday, March 17, 2008

PANALO NA NAMAN SI PACQUIAO!!!

Ang galing talaga ni Manny, nagbigay na naman siya ng karangalan sa bansang Pilipinas....Pero naging maganda sanang panoorin ang laban kung ang abs-cbn ang naghatid ng coverage. Iba kasi ang preparasyon pag ang kapamilya ang nag cover. Talagang grabecious ang pag hahanda bago at pagkatapos ng laban, mararamdaman mo talaga ang sobrang excitement at tuwa.

Maski pag katapos ng laban hindi ka mabibitin, siksik na siksik sa pakikibalita ng direkso kay Manny tungkol sa katatapos niyang laban.....e sa kabila....hay naku, pakialam ko ba kay Marimar, e tapos na istorya niya no'....Pati yun live interview with Manny thru telephone lang?...Pero nun sa kapamilya pa,live tv coverage makikita mo talaga yun pagdiriwag nila Manny kasama ang mga kapamilya at kaibigan niya sa hotel na tinutuluyan niya.

Isa lang masasabi ko...iba talagang magbigay pugay ang kapamilya sa mga bayaning nagbibigay karangalan sa ating bansa....ginagastusan talaga at pinaghahandaan ng mabuti!...Well, ang importante na lang e nanalo si Manny.

No comments: