Google

Thursday, March 27, 2008

Angel Locsin, Nasapawan na daw ni KC at Valerie?


Hindi ako naniniwala na pinababayaan ng Kapamilya network si Angel. Nagkataon lang na may pelikula ngayon si Valerie at si KC naman ay may special month long birthday drama presentation kayat visible sila sa mga tv show ng channel 2 to promote it. Di ba ganun din naman si Angel nun nag-p-promote pa lang siya ng "Lobo"?

Ang ganda ng istorya ng "Lobo" noh', at kitang-kita ang galing ni Angel sa pag-arte. At naniniwala ako na marami pang naka line-up na project si Angel sa Kapamilya network.

Sa aking pananaw, ang kulang lang kasi e hindi gaano nahasa si Angel sa hosting. E di sana puede din siyang ilagay sa ASAP o sa iba pang variety show ng abs.

Di gaya ng ibang talents ng star magic na trained sa dancing, hosting and acting, kayat kahit walang soap opera very visible naman sa ibang show....Iba kasi and workshop ng Kapamilya kahit mga bata pa lang kitang kita na ang talent.

No comments: